^

Metro

Paggamit ng supot na plastic, ibabawal sa Valenzuela

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Ipagbabawal na sa lung­sod ng Valenzuela ang pag­gamit ng plastic bag, ito ang isi­nusulong ngayong ordi­nansa ni Valenzuela City Liga ng mga Brgy. President Coun­cilor Alvin Feliciano sa Sangguniang Panglungsod.

Sakaling maaprubahan sa Sangguniang Panglungsod ang proposed ordinance number 2010-006, ipagbaba­wal na ang paggamit ng plastic bag at iba pang non-biodegradable na sisidlan ng iba’t-ibang pamilihan.

Nakasaad pa sa naturang ordinansa, isa ang plastic bag sa ginagamit ng mga tao na hindi natutunaw at nagiging dahilan ng pagbara nito sa mga estero, kanal at iba pang daluyan ng tubig na nagre­resulta ng pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa tuwing pana­hon ng tag-ulan.

Bukod dito, ang plastic bag din ang isa sa dahilan kung bakit nalalaspatangan ang kalikasan, kaya’t isa ito sa sanhi ng global warming.

Dahil sa mga masasa­mang epektong ito ng plastic bag ay naisipang isulong ni Feliciano ang ordinansang pinamagatang “Paper Bag Ordinance”.

Ang sinumang negos­yante na mahuhuling luma­labag sa kautusang ito ay ma­aaring patawan ng kaparu­sahang: 1st offense – written notice at warning, 2nd offense – multa na aabot hanggang P5,000; 3rd offense – multang P5,000 at temporary suspen­sion ng business permit ng labing limang araw (15 days); 4th offense – multang P5,000 at pansamantalang suspen­siyon ng business permit ng tatlumpung araw (30 days) at 5th offense – tuluyang pag­tanggal ng business permit at ang operasyon nito.

Naatasan ding magpatu­pad sa ordinansang ito ang Office of the City Mayor sa pa­mamagitan ng business permit and licensing office (BPLO).

Umaasa naman si Feli­ciano na susuportahan ng mga miyembro ng Sangguni­ang Panglungsod ang ordi­nan­sang ito na makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa buong lungsod.

ALVIN FELICIANO

BAG

BRGY

BUKOD

COUN

OFFICE OF THE CITY MAYOR

PAPER BAG ORDINANCE

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

SHY

VALENZUELA CITY LIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with