^

Metro

3 toneladang 'hot meat', nasabat sa Balintawak market

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May tatlong toneladang double dead na karne ng baboy ang nasamsam ng Quezon City Health Office sa isinagawang pagsa­lakay sa Balintawak Market sa lungsod kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Dr. Ana Marie Cabel ng city health office, kaya patuloy na nangangahas na magbenta ang mga tindero ng botya ay dahil kapag nahuhuli ay madali ring nakakalabas dahil sa mababa lamang ang piyansa dito.

Ilan sa mga botyang nasamsam ay hayagang ibinebenta habang ang iba ay nakalagay sa mga banyera. May mga itinago rin sa mga gabundok na basura kung saan dito ibinabaon ng mga tindero para umano hindi mahanap ng mga awtoridad.

Ang bentahan ng botya ay talamak hindi lamang sa Balintawak kundi maging sa iba pang palengke sa kamaynilaan.

Ganap na alas -2 ng madaling araw nang salakayin ng tropa ng QCPD at city health office ang nasabing palengke matapos makatanggap ng impormasyon na may bentahan na naman ng botya dito.

AYON

BALINTAWAK

BALINTAWAK MARKET

BOTYA

CITY

DR. ANA MARIE CABEL

GANAP

ILAN

QUEZON CITY HEALTH OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with