^

Metro

General Verzosa magreretiro sa Sept. 15

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Magreretiro na ng maaga ngayong buwan si Philippine National Police (PNP) Chief Di­rector General Jesus Verzosa.

Ito’y ilang buwan bago su­ma­pit ang ika-56 kaarawan ni Verzosa sa Disyembre 25 na siyang dapat sanang pagrere­tiro nito kung hindi nagdesis­yong umalis sa serbisyo ng maaga.

Una rito, lumutang sa mga senior officers sa Camp Crame na nais ni Verzosa na umalis na sa serbisyo ng maaga hang­gang Setyembre 15 ng taong ito.

Ayon kay PNP Spokesman, Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr. na­isumite na ni Verzosa ang kan­yang liham na nagsasaad na ng maagang pagbaba sa puwesto subalit wala pa rin tugon dito si Pangulong Aquino.

Pinawi naman ni Cruz ang agam-agam na sanhi ng ma­agang retirement ni Verzosa ang umano’y matinding pres­sure bunsod ng malagim na 11 oras na hostage drama sa Quirino grandstand na ikina­sawi ng walong turista na kina­bi­bila­ngan ng 5 Hong Kong nationals at tatlong Chinese-Canadian nationals gayundin ng hostage taker na si dating Sr. Inspector Rolando Mendoza.

Samantalang kabilang na­man sa pinagpipiliang humalili kay Verzosa ay sina Deputy Di­rector Gen. Perfecto Palad; Deputy Chief for Administra­ tion; Deputy Director General Raul Ba­calzo, Deputy Chief for Ope­rations at Chief Directorial Staff P/Deputy Director Ge­neral Ben­jamin Belarmino.

AGRIMERO CRUZ JR.

CAMP CRAME

CHIEF DI

CHIEF DIRECTORIAL STAFF P

DEPUTY CHIEF

DEPUTY DI

DEPUTY DIRECTOR GE

DIRECTOR GENERAL RAUL BA

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with