^

Metro

2 ex-police, 2 pa huli sa raid ng PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang dalawa umanong retiradong pulis na sangkot sa pagbe­benta ng droga ang naaresto ng tropa ng Metro Manila Regional Office (MMRO) at Special Enforcement Service ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) maka­raan ang pagsalakay sa isang barangay na pugad umano ng bentahan ng shabu sa lungsod Quezon kamakalawa.

 Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Dio­nisio R. Santiago, kinilala ang mga nadakip na sina SPO1 Er­lindo Orosco at Giron Cosme, dating pulis QCPD, at kalive-in nitong si Eileen Valdez, 36 at Alfredo Ramos, alyas Santa.

Patuloy naman ang pag­tugis ng PDEA sa isang alyas “ Popoy” na umanoy lider ng grupo.

Ang pagsalakay ay bunsod ng search warrant na inilabas ni branch 21 Executive Judge Amor Reyes ng Manila RTC.  

Nakuha sa bahay ng mag-live-in ang apat na sachet ng shabu at mga paraphernalias.

Halos katabi lamang ng tanggapan ng PDEA ang sinalakay na lugar. 

Pasado alas -3 ng hapon nang lusubin ng tropa ang squatters area sa Postal site, NIA Northside road, ilang hak­bang lamang mula sa tang­gapan ng PDEA.

 Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga nahuling suspek na nakapiit ngayon sa PDEA.

ALFREDO RAMOS

DIRECTOR GENERAL DIO

DRUG ENFORCE

EILEEN VALDEZ

EXECUTIVE JUDGE AMOR REYES

GIRON COSME

METRO MANILA REGIONAL OFFICE

SHY

SPECIAL ENFORCEMENT SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with