^

Metro

24 lider ng transport group, nagpa drug test

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May 24 na lider ng transport group ang kusang loob na sumailalim sa drug test   sa loob mismo ng Philippine Drug En­force­ment Agency (PDEA) head­quarters sa lungsod Quezon kahapon.

Ang naturang aksyon ay ginawa ng mga lider ng sektor ng transportasyon bunga ng paulit-ulit na trahedyang kinasa­sangkutan ng mga bus driver sa lan­sangan na nagreresulta sa pagkasawi ng maraming pasahero.

Tinukoy ang paggamit ng droga ng mga driver ang pangunahing dahilan ng naturang mga aksidente sanhi upang isagawa ang nasabing pagsusuri ng PDEA .

Ayon kay PDEA director Senior Under­secretary Dionisio R. Santiago, kasabay ng drug testing ang pagpupulong na gagawin nila ng nasabing mga sektor upang pag-usapan kung ano ang ka­hinaan ng gobyerno sa nasabing problema nang sa gayon ay makagawa ng lehistratura para dito.

Gayunman, ayon kay Arleene Ca­melio, vice-president ng Metro Manila Bus Operators Association (MMBOA), huwag umanong ituon ang sisi sa mga driver dahil maging ang pamahalaan anya ay may malaking pagkukulang din.

Giit ni Camelio, kailangan din anyang bigyang pansin ng pamahalaan ang ugat ng nasabing problema, hindi lamang anya ito tungkol sa droga kundi sa imprastrak­tura ng mga ginagawa nilang kalsada.

Kaugnay naman sa tanong na kung pabor ang lahat na ipa-drug test ang ka­nilang mga driver, ayon sa mga lider ng trans­­portasyon, sang-ayon sila sa ga­nitong proposal, subalit kailangang hindi manggaling sa kanilang sariling bulsa ang perang ipambabayad kung hindi sa pamahalaan o ahensyang manganga­laga dito.

ARLEENE CA

AYON

CAMELIO

DIONISIO R

DRUG EN

GAYUNMAN

METRO MANILA BUS OPERATORS ASSOCIATION

SENIOR UNDER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with