^

Metro

2 dayuhan dinukot sa Pasay?

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Masusing inaalam ngayon ng Pasay City Police ang kato­tohanan sa ulat ng isang taxi driver na pagdukot ng mga armadong lalaki sa mga dayuhang Singaporean at Malaysian na pasahero niya, kahapon ng madaling-araw sa naturang lungsod.           

Dumulog kahapon sa Sta­tion Investigation and Detec­tive Management Section ng Pasay police ang taxi driver na si Edgardo Alonzo, 56, ng   Har­­vard St. , Cubao, Quezon City. 

Iniulat nito na isinakay niya ang dalawang hindi pa naki­kilalang dayuhan dakong alas-10 kamakalawa ng gabi sa tapat ng New World Hotel sa Makati City.           

Nagpahanap umano ang mga ito ng maayos na “health spa” kaya dinala niya ang mga ito sa isang health spa sa Coastal Mall sa Parañaque City. 

Hinintay niya ang mga ito hanggang matapos dakong alas-12 ng hatinggabi at pa­balik na sila sa hotel nang ha­ra­ngin ng mga armadong suspek lulan ng gray silver na Toyota Revo sa may Maca­pagal Boulevard.           

Dalawang lalaki umano na naka-unipormeng pampulis ang bumaba at hiningi ang kan­yang lisensya na isinam­pal sa kanya at inutusan siyang sumunod sa Revo hanggang sa Airport Road na sinunod naman nito. 

Pagsapit sa Quirino Ave­nue sa Tambo, Parañaque ay pinababa ng mga suspek ang dalawang dayuhan, isinakay sa Revo at saka tumalilis habang iniwan si Alonzo na nag-iisa. Bineberepika nga­yon ng pulisya ang naturang sumbong ni Alonzo habang inalerto na ang mga units ng PNP sa naturang ulat.

AIRPORT ROAD

ALONZO

COASTAL MALL

EDGARDO ALONZO

INVESTIGATION AND DETEC

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with