^

Metro

Bahay ni Chin Chin Gutierrez nasunog uli

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang nasunog ang bahay ng aktres na si Chin-Chin Gutierrez sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Fire Officer 1 Jessie Gealon, nagsimula ang sunog sa bahay ng aktres ganap na alas-12:26 ng madaling- araw sa 115 B. Gonzales St., Varsity Hills, Loyola Heights sa lungsod.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy sa isang kuwarto na ginawang opisina ng aktres kung saan bigla na lamang naglagablab ito. Sinasabing wala sa kanyang bahay si Gu­tierrez nang mangyari ang insidente kung saan tanging ang personal assistant lamang nito na si Lannie Arbo ang nandoon.

Gayunman, dahil sa gawa sa kongkreto ang nasabing bahay, hindi naman kumalat pa ang apoy na tumagal lamang ng ilang minuto.

Samantala, ayon kay Gealon, isang residente na nakilalang si Jason Alon ang isinugod sa malapit na ospital dahil sa nahira­pang huminga matapos na makalanghap ng usok mula sa bahay ng aktres.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng pinsala sa nasabing tahanan. Ito ang pangalawang pagkakataon na nasunog ang bahay ng aktres kung saan Disyembre 2006 nang unang masunog ito.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing sunog upang mabatid ang ugat nito.

vuukle comment

AYON

CHIN-CHIN GUTIERREZ

FIRE OFFICER

GONZALES ST.

JASON ALON

JESSIE GEALON

LANNIE ARBO

LOYOLA HEIGHTS

QUEZON CITY

VARSITY HILLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with