^

Metro

Pekeng parak na umaresto sa tunay na parak, tiklo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang taxi driver na nagpang­gap na pulis matapos na arestuhin ang isang tunay na pulis na kan­yang tinutukan ng pekeng baril makaraang sita­hin dahil sa simpleng prob­lema sa trapiko sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Kinilala ang suspect na si Roque Dy Jr. 46, binata, taxi operator/driver, naninirahan sa   Guyabano St., Project 2 sa lungsod.

Siya ay inaresto ni PO1 Crispin Cartagenas Jr., naka­talaga sa Molave Sub-Station (Taurus) Batasan Police Station 6 ng Quezon City Po­lice maka­raang tutukan niya ng baril sa simpleng prob­lema sa trapiko.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Judge Jimenez St., Kamuning Road, Brgy. Kamuning sa lungsod ganap na alas-9:30 ng gabi.

Diumano, sakay ng kan­yang motorsiklo si Cartagenas at tinatahak nito ang nasabing lugar nang mula sa likuran ay sumulpot ang taxi na Sir Jon Jon Trans (TVN-313) na mina­maneho naman ni Dy.

Dahil naabala si Dy ng motorsiklo ng pulis, binusi­nahan nito ng sunud-sunod ang huli sanhi upang huminto ito para kausapin ang una.

Pagbaba ni Cartagenas sa kanyang motorsiklo ay na­gulat siya na nakatutok na ang baril ng suspect sa kanyang leeg at nagpakilalang pulis sanhi upang aregluhin niya ito at magpakilala ring pulis.

Pero hindi natinag ang suspect sa halip ay pilit na hina­hatak ang biktima, hang­gang sa tiyempong mapa­daan ang isang police traffic sa lugar at nakita ang pangya­yari at humingi ng saklolo sa iba pang pulis.

Naalarma naman ang sus­pect dahilan para makakuha ng tiyempo si Cartagenas at na­gawang madis-armahan ang una at arestuhin.

Sa pagsisiyasat, napag-alamang replika lamang ang dala ng suspect na baril at na­­re­kober din sa kanya ang isang identification card ng PNP police community Rela­tions Group, Camp Crame na may pirma ni Ret. Gen. En­ri­que S. Atanacio at Cdr. Eli­zier Bonga­bong; isang badge ng Mike Delta Force-Intel­ligence and Communication Group; at isang letter order mula sa na­turang retiradong general.

Patung-patong na kaso ng grave threats, resisting arrest, usurpation of authority and illegal use of uniforms or in­signa ang kinakaharap ng suspect.

BATASAN POLICE STATION

CAMP CRAME

CARTAGENAS

COMMUNICATION GROUP

CRISPIN CARTAGENAS JR.

GUYABANO ST.

JUDGE JIMENEZ ST.

KAMUNING ROAD

MIKE DELTA FORCE-INTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with