Gang member itinumba

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Commando Gang na si­nasabing may mga atraso sa kalabang gang ang iti­numba matapos natag­pu­ang nakabulagta sa iba­baw ng Lagusnilad sa ha­ra­pan ng Manila City Hall, sa P. Burgos, Ermita, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima sa edad na 25 hanggang 30-anyos , may taas na 5’5 hanggang 5’6, nakasuot ng dilaw na t-shirt at puting shorts na tadtad ng tattoo ang buong katawan.

Ayon kay PO3 Jay San­ tos, dakong alas-10:30 ng gabi nang mama­taan ng dalawang barker na sina Rommel Medrano at Ben­ jir Bago ang biktima na na­kabulagata kaya dinala nila sa Ospital ng Maynila kung saan idi­neklarang patay.

Nadiskubreng may su­gat sa ulo at leeg na sina­sabing pinukpok ng ma­tigas na bagay.

Show comments