^

Metro

Mga balang tumama sa hostage victims posibleng mula kay Mendoza - PNP

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Ipinahayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na posibleng ang tu­mamang bala na naka­patay sa mga turistang Hong Kong nationals ay mula sa hostage-taker na si ex-P/Senior Insp. Ro­lando Mendoza.

Ayon kay P/Senior Supt. Agrimero Cruz, spokesman ng PNP, base sa ballistics test, karamihan sa mga balang nakuha sa crime scene ay mula sa high-powered firearms.

Sa kabuuang 59-piraso ng basyo ng balang naku­ha sa loob ng bus, 58 pira­so nito ay mula sa M16 Armalite rifle na siyento por siyento na gamit ni Men­doza base na rin sa ballistics examination ng crime laboratory.

Base na rin sa resulta ng awtopsiya, lumilitaw na lahat ng balang tumama sa mga biktima ay nagmula sa high-powered firearms.

Subalit iginiit nito na hindi pa rin nila matiyak ang kalibre kung kaya kailangang makakuha pa ng sample sa ilang bahagi ng biktima at maikumpara ito para masabi na 100 percent sure na ang bala nga ay galing kay Mendoza.

Samantala, inamin ni Cruz na pinayagan nang ma­ka­pag-conduct ng ex­ami­nation ang mga Hong Kong Police sa tourist bus matapos na pigilan ang mga ito kamakailan.

Ayon kay Cruz, kinaka­ila­ngan kasing hindi mag­ka­roon ng kaguluhan sa ginagawang examination ng National Bureau of Investigation (NBI) kaya hindi sila agad pinahintulutan, subalit ngayon ay maaari na nilang simulan ang pag­sisiyasat.

AGRIMERO CRUZ

AYON

CRUZ

HONG KONG

HONG KONG POLICE

MENDOZA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with