2 karnaper timbog

Magkasamang inaresto ang dalawang karnaper at ang lalaking pinagbentahan ng mga ito ng motorsiklo na kanilang tinangay sa Malabon City kamakalawa.

Nakilala ang mga dinakip na suspect na sina Christopher Obregon, 36 at Alejandro Olasco, 28 at ang kanilang pinag­bentahang si Bembol Mamales, 35, pawang mga taga Dagat-Dagatan ng lungsod na ito.

Sa salaysay ng biktimang si Josie Suarez, 36, nakatira sa Area 2, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod, na­batid na ala-1:30 ng hapon nang mapansin niya na nakalas nina Obregon at Olasco ang motorsiklong may nakakabit na sidecar habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.

 Matapos ang insidente ay tumakas ang dalawa dala ang motorsiklo ng biktima habang nakatawag naman ng mga pulis si Suarez.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip sina Obregon at Olasco at itinuro ang motorsiklo na ibinenta kay Mamales na naging dahilan upang damputin ang huli at mabawi ang motorsiklo ng biktima.

Show comments