^

Metro

33 Pinay biktima ng human trafficking nasagip ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nasa 33 Pinay na kinabibi­langan din ng ilang menor de edad ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa isang safe house sa Las Piñas City na nakatakda na sanang magtungo sa Kuwait, kaha­pon ng umaga.

Ayon kay Head Agent Atty. Dante Bonoan, ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD), 33 na mga kaba­baihan at karamihan umano dito ay pawang mga menor de edad kabilang ang mga ka­patid na Muslim na uma­no’y ni-recruit sa probinsya upang magtrabaho umano sa Kuwait bilang mga domestic helpers.

Ang operasyon ay isina­gawa dakong alas-8:00 ng umaga sa dalawang safe house sa Las Piñas City.

Hindi din pinangalanan ni Bonoan ang 33 mga kaba­baihan gayundin ang mga suspect na hinihinalang pa­wang miyembro ng sindikato ng human trafficking sa bansa.

Ang mga nasagip ay dinala sa NBI headquarters sa Taft Ave., Maynilla para tulu­ngan sa pagpapabalik sa kanilang mga lalawigan habang ang mga suspect ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso habang nakadetine sa NBI detention facility.

ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

AYON

BONOAN

DANTE BONOAN

HEAD AGENT ATTY

LAS PI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with