2 patay sa riding in tandem

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi, habang dalawa pang kasamahan nila ang malubhang nasugatan ma­ka­raang bistayin sila ng bala ng dalawa sa limang kalala­kihan na nakasakay ng mo­tor­siklo sa Quezon City ka­makalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Renato Garcia, 22, tricycle driver, miyembro ng Batang City Jail; at Carl Capilio, 18, binata; kapwa residente sa Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ginagamot naman sa East Avenue Me­dical Center ang mga sugatang sina Joseph Alco­vendas Jr., 20; at Mark Galarpez, 19, binata; ng Payatas C sa lungsod.

Inaalam naman ng QCPD ang pagkaka­kilanlan sa mga suspect kung saan dalawa sa mga ito ay sakay ng isang motorsiklo habang ang tatlo ay nagsilbing look out.

Base sa ulat nangyari ang insidente sa may President Quirino St., Brgy. Commonwealth ganap na alas-10 ng gabi.

Bago ito, alas- 4 ng hapon ay nakipag-celebrate­ ang mga biktima sa birthday ng kanilang kaibigang si Mariel kung saan nag-inuman ang mga ito sa may Linada St.ng nasabing ba­ran­gay. Makalipas ang ilang oras ay nagpasya ang mga biktima na umuwi kung saan habang naglalakad   ay biglang sumul­pot ang riding in tandem suspect at walang habas na pinaputukan ang mga biktima.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad upang matukoy ang motibo ng nasabing krimen.

Show comments