^

Metro

Ex-Bulacan councilor niratrat sa Que­zon City, utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang dating konsehal sa probinsya ng Bulacan ang nasawi makaraang ratratin ng riding in tandem habang nag-aalmusal sa isang fast food chain sa lungsod Que­zon kahapon ng umaga.

Kinilala ni Insp. Norman Cristobal, chief Investigator ng Police Station 10 ng Quezon City Police, ang bik­tima na si Jose Bladimir Lava, 40, dating konsehal sa Bulacan Bulacan at resi­dente ng Brgy. San Jose Bulacan, Bulacan.

Ayon kay Cristobal, si Lava ay nagtamo ng apat na tama ng bala sa likod at nasawi habang ginagamot sa Saint Luke’s Hospital ganap na alas-11 ng umaga.

Dagdag ni Cristobal, malalim umano ang ugat ng nasabing krimen na ngayon ay kanilang patuloy na sini­siyasat upang matukoy ang nasabing mga salarin at tunay na motibo nito.

Nangyari ang insidente sa Tomas Morato corner Scout de Guia, Brgy. Laging Handa sa lungsod ganap na alas-7 ng umaga habang nag-aal­musal si Lava ka­sama ang pamangking si Crisanto dela Peña, sa loob isang fast food nang biglang sumulpot mula sa labas nito ang isang suspect na armado ng kalibre 45 baril at pinagbabaril ang walang kamalay-malay na biktima.

Sinasabing tumagos mula sa salamin ng fast food chain ang bala at direktang tumama lahat sa likuran ng biktima dahilan para agad itong bumulagta sa sahig.

Matapos ang pamamaril ay naglakad lamang ang suspect na parang walang nang­yari patungo sa kasa­mahang naghihintay sa may Scout de Guia St., sakay ng HXM motorcycle na walang plaka saka nag­si­pagtakas.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, bago ang pamamaril ay nakatakda sanang ka­tagpuin ng biktima sa nasa­bing fast food ang kanyang tiyuhing si Atty. Francisco Lava para bisita­hin ang kanilang kaibi­gang naka-confine diumano sa hindi mabatid na ospital.

Ang kaso ay nakatak­dang iturn-over sa panga­nga­laga ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD para sa masusing pagsisi­yasat sa nasabing kaso.

vuukle comment

BRGY

BULACAN

BULACAN BULACAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CRISTOBAL

FRANCISCO LAVA

GUIA ST.

JOSE BLADIMIR LAVA

LAGING HANDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with