^

Metro

Pinalit kay Magtibay, pinalitan din

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi umabot ng 24 oras ang pagi­ging officer-in-charge ng Manila Police District si Senior Supt. Francisco Villa­roman nang kahapon ay mag-courtesy call kay Manila Mayor Alfredo S. Lim si C/Supt. Roberto Rongavilla bilang kapalit ng una.

Si Rongavilla ay dating district director for regional administration ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at hepe ng Task Force-Asun­cion na huma­hawak sa kasong torture na kinasasang­ku­tan ni P/S Insp. Jose­lito Binayug.

Nabatid na ipinatawag ng PNP-Camp Crame si Villaroman kamakalawa ng gabi at inirecall ang order nito upang bumalik sa dating puwesto sa Mindanao.

Ang recall order kay Villaroman ay ini­hayag kasunod ng kritisismo ni Tere­sita Ang Sy ng Crusade Against Crime (CAC) na sinabing hindi dapat si Villa­roman ang mamuno sa MPD dahil hindi pa tuluyang nareresolba ang kinasa­sangkutan nitong kasong   pag­dukot sa dalawang Hongkong national.

ANG SY

CAMP CRAME

CRUSADE AGAINST CRIME

FRANCISCO VILLA

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

ROBERTO RONGAVILLA

S INSP

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with