2 patay, 800 bahay tupok sa sunog

MANILA, Philippines - Dalawang paslit ang iniulat na nasawi, habang tinatayang mahigit sa 800 kabahayan ang naabo sa naganap na apat na oras na sunog sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga na­sawi na sina Ruby Rol­leon, 7, grade 2 pupil na nalunod matapos na tu­malon sa dagat matapos na sumiklab ang sunog at isang pa umanong ba­tang kinilala lamang sa panga­lang Ryan.

Nabatid na nagsimula ang sunog ganap na alas-6 ng gabi at naapula dakong alas-10.

Samantala, tuluyan namang natusta ang bangkay ni Ruby Roñon, na tiyempong nakaburol sa lugar.

Nabatid na isang ma­lakas na pagsabog muna ang narinig hanggang sa kumalat na ang apoy.

Kaugnay nito, hiniling ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa Sang­guniang Panglung­sod na ilagay sa state of calamity ang naturang lugar na naapektuhan ng naganap na sunog.

Show comments