^

Metro

Nasingil na RFID fee, isosoli sa Setyembre - LTO

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kumpirmado nang maibabalik ng Land Transportation Office (LTO) ang RFID fee na nasingil ng ahensiya sa pama­magitan ng IT provider nitong Stradcom Corporation simula Setyembre ng taong ito sa pamamagitan ng koreo.

Ayon kay LTO Chief Virginia Torres, hindi muna sila nagbalik ng Radio Frequency Identification Device (RFID) fee nitong naka­lipas na mga araw dahilan sa kumuha muna sila ng komento mula sa Solicitor General’s Office hinggil dito.

Ang RFID fee ay proyekto ng Stradcom para raw maresolba ang problema sa kolorum at out of line vehicles sa bansa.

“Sumagot na ang Solgen na magsoli na kami kaya sa Sep­tember, start na ng pagbabalik ng RFID fee thru mail,” pahayag ni Torres. Sinabi ni Torres na through regions ang pagsosoli ng RFID fee. Mula sa Central Office ay dadalhin sa mga regions ang pera na kailangang isoli sa mga motorista na nakakuha noon ng RFID.

Ayon kay Torres, mas minabuti ng kanyang tanggapan na ma­isoli na ang naturang bayarin dahil dagdag gastos lamang ito ng taumbayan.

AYON

CENTRAL OFFICE

CHIEF VIRGINIA TORRES

KUMPIRMADO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MULA

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION DEVICE

RFID

SOLICITOR GENERAL

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with