^

Metro

Obrero hulog mula 6th floor, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay na nang madiskubre ang isang 28-anyos na construction worker na pinaniniwalaang nahulog mula sa ika-6 na palapag ng isang itinatayong gusali, sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni MPD-Homicide Section chief, Insp. Armand Macaraeg ang bikti­mang si Delfredo Cabuy-os, stay-in sa construction site ng Manila Residences na matatagpuan sa 1160 J. Bacobo St., Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:20 ng umaga nang matagpuan ang bang­kay ng biktima na hinihinalang may ilang oras nang patay sa ground floor staging area ng Manila Residences.

Nabatid na bago ang insidente, na­kita pang umiinom ng beer ang biktima at mga kasamang sina Leonel Ren­zales, Paro Soriano, isang alyas “Quiam” at alyas “Rio” sa canteen ma­lapit sa ginagawang gusali.

Nang matapos ang inuman ay nag­si­uwian sa kanilang barracks sina Soriano at Quiam subalit ang biktima kasama sina Renzales at Rio ay itinuloy ang inuman sa Sardan Videoke sa Ma­bini St., at nagsiuwi rin sa construction site dakong 3:30 ng madaling-araw.

Nabatid sa imbestigasyon na sina Rio at Renzales ay dumiretso sa ka­nilang barracks habang ang biktima ay naiwan sa ground floor ng ginagawang building.

Isang Jonathan Pensader ang naka­tuklas sa nakabulagtang katawan ng biktima sa staging area.

Naghinala ang pulisya na nagtungo sa 6th floor ang biktima dahil ang isang pares ng tsinelas ay naiwan doon at isang basyo ng pinagkainan ng instant noodles habang ang katawan niya ay nasa ground floor.

Posibleng bumili umano ng noodles sa canteen ang biktima at nagpahangin sa 6th floor dala ang pagkain kung saan siya hinihinalang na-out-of-balance dahil sa kalasingan kaya nahulog.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

ARMAND MACARAEG

BACOBO ST.

BIKTIMA

DELFREDO CABUY

ERMITA

HOMICIDE SECTION

ISANG JONATHAN PENSADER

LEONEL REN

MANILA RESIDENCES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with