^

Metro

Hindi ako ang nasa torture video - Binayug

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng naka­sam­­pang kaso laban sa kanya, itinanggi kahapon ni Police Senior Insp. Jose­lito Bi­na­yug, ng Ma­nila Police District na siya ang nag-torture sa rob­bery suspect sa video na ipinalabas ng ABS-CBN.

Sumipot kahapon si Binayug sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs at ng Committee on Justice and Human Rights kaug­nay sa torture video pero itinanggi ng sus­pendidong police officer ang akusasyon laban sa kanya.

“It is not me Your Honor,” maikling sagot ni Binayug nang tanu­ngin ni Senator Jing­goy Estrada kung siya ang nagto-torture sa lalaking naka­hubad sa sahig na ti­nalian pa sa maselang bahagi ng katawan.

Sinabi pa ni Bina­yug na hindi niya kilala ang nasabing police officer sa torture video.

Pero nang tanungin ni Estrada si Police Chief Supt. Roberto Ronga­villa, head ng Task Force Asun­cion, sinabi nito na tinukoy na si Binayug ng asawa ng torture victim na ito ang nagpahirap sa biktima.

“According to the witness who is the wife and the other witnesses that was produced, they identified the suspect to be Police Senior Insp. Bina­yug,” sabi ni Ronga­villa.

Sinabi rin ni Ronga­villa na base sa ka­nilang isinagawang imbestigas­yon at sa mga testigo, si Binayug talaga ang nasa torture video kaya sinam­pa­han na ito ng kaso.

Pero muli itong iti­nang­gi ni Binayug at si­nabi pang nakahain na ang kaso sa korte.

BINA

BINAYUG

PERO

POLICE CHIEF SUPT

POLICE DISTRICT

POLICE SENIOR INSP

ROBERTO RONGA

RONGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with