^

Metro

BI officials may death threat

- NI Gemma Amargo-Cruz -

MANILA, Philippines - Itinalaga sa Bureau of Im­migration (BI) ng Philippine Na­tional Police (PNP) ang may 21 pulis upang magbigay ng segu­ridad sa mga opisyal ng BI na mayroong natatanggap na death threats mula sa sindi­kato ng human trafficking at illegal recruitment.

Sinabi ni Immigration officer in charge Ronaldo Ledesma, humingi siya ng tulong sa PNP police security and protection group (PSPG) upang magta­laga ng mga escort bunsod sa natatanggap na mga death threats ng mga opisyal ng BI mula sa mga hindi nagpapa­kilalang callers at texters.

Iginiit ni Ledesma na hindi niya maaaring ipagwalang-ba­hala ang mga pananakot dahil alam nito na mayroon silang nata­tapakan na mga tao ng mag­sagawa siya ng reshuffle kama­kailan sa mga immigration officials sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA), Dios­dado Macapagal Airport (DMIA) at iba pang airports.

Ang nasabing mga police escorts ay higit umano sa 24 oras na magbibigay ng protek­syon sa mga opisyal ng BI na may death threats.

Nilinaw ni Ledesma na nag-ugat ang death threats sa mga BI officials matapos nitong si­bakin ang may 350 confidential agents at iba pang government personnel na itinalaga ng mga ahensiya.

Sinibak din ni Ledesma ang may 39 empleyado at sinus­pinde ang may 23 iba pa dahil sa kasong grave misconduct at iba pang kasong administratibo.

BUREAU OF IM

DIOS

IGINIIT

LEDESMA

MACAPAGAL AIRPORT

NINOY AQUINO INTER

PHILIPPINE NA

RONALDO LEDESMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with