^

Metro

Gen. Magtibay nag-leave of absence: Swat chief sinibak

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos na umani ng ka­liwa’t-kanang batikos kaugnay sa naganap na madugong hostage sa Manila, inako na ni Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rodolfo Magtibay ang responsibilidad kasunod ng pagboboluntaryo nitong mag-leave of absence, habang sinibak naman ng PNP ang lider ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team at 3 pa nitong tauhan.

Sa nasabing hostage ay nasawi ang hostage taker na si dating Senior Inspector Ro­lando Mendoza na nadismis sa serbisyo, limang Chinese at ang tatlo pang turista ay mga Canadian national ayon na rin sa paglilinaw ng PNP. 

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, inihayag ni PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., na bago nag­simula ang ipi­natawag na conference ng Post Critical Incident Manage­ment Com­mittee (PCIMC) ay nagbo­ luntaryo nang magba­kas­yon muna si Magtibay.

 “He just offered verbally his intention to go on leave as long as it takes. The Chief PNP said the Command Group and Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo and his Undersec­retaries will have to confer on the matter, they will study the matter,” pahayag ni Cruz. 

Ayon kay Cruz, nagbolun­taryong magbakasyon muna si Magtibay habang hinihintay pa ang resulta ng imbesti­gasyon ng PCIMC kung saan inako nito ang lahat ng res­pon­­sibilidad sa trahedya dahil ito umano bilang over­all ground commander ang nag­bigay ng ‘assault order’. 

Kasabay nito, sinibak na­man ni Verzosa ang lider ng Special Weapons and Tactics Team (SWAT) team na si Chief Inspector Santiago Pas­cual at tatlo pa nitong kasama­han na namuno sa assault operation.

Ayon kay Cruz, sa pag-uumpisa ng imbestigasyon ng PCIMC na pinamumunuan ni Verzosa ay inako ni Magtibay ang lahat ng responsibilidad sa nangyaring trahedya sa pagkamatay ng 8 hostage habang patay din ang hostage taker na si Mendoza. 

Inihayag din ni Cruz na ipi­nasusumite na ang mga baril ng may 200 SWAT men ng MPD para maisailalim ito sa ballistic examination.

Ayon naman kay NCRPO Chief Director Leocadio San­tiago, nasa 50 pulis naman mula sa SWAT at Regional Mobile Group ang isasailalim sa paraffin test bilang bahagi ng proseso ng imbestigasyon sa insidente. Nabatid pa sa opis­yal na kumilos ang as­sault team matapos tuma­ tak­bong ihayag ng naka­takas na driver na si Lubang na patay na ang lahat ng mga hostages.

Sa kabila nito, ayon pa kay Cruz ay determinado si Ver­zosa na ibangon ang imahe ng pulisya na aminadong may mga pagkakataong puma­palpak sila sa operasyon.

Samantalang nangako rin ang opisyal na magiging ‘transparent ‘ sa isasagawang imbestigasyon sa kasong ito.

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR LEOCADIO SAN

CHIEF INSPECTOR SANTIAGO PAS

CHIEF SUPT

CRUZ

MAGTIBAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with