Lineman ng Meralco patay sa dump truck

MANILA, Philippines - Isang lineman ng Me­ralco ang nasawi habang dalawa pa sa kasamahan nito ang malubhang nasu­gatan makaraang ma­bundol ang kanilang ser­vice vehicle ng isang dump truck sa lungsod Quezon kahapon ng madaling- araw.

Nakilala ang nasawi na si Joseph Sorio, 24, 1st Class lineman at residente sa Skyline Road, Sto. Cristo, San Jose del Monte Bulacan.

Habang ang sugatang kasamahan nito ay sina Ricky Sabornido, 38, lead­man/supervisor ng Block 9, Lot 5, Buena Perlas 1 Sub­division, Brgy. Lobos Sta. Rosa Laguna; Richard Diaz, 27, 1st Class line­man ng Saint Dominique Sub­division, Sto Nino Cainta Rizal.

Nakilala naman ang driver ng truck na si Mi­nandro Santiago, 34, ng Brgy. Montecillo, Sariaya Quezon.

Show comments