Call center officials, kinasuhan sa pagkamatay ng tauhan

MANILA, Philippines - Sinampahan ng ka­song kriminal sa Quezon City Prosecutors Office ang anim na opisyal at tatlong empleado ng isang call center dahilan sa pag­kamatay ng isang tauhan na umanoy binigo ng mga itong bigyan ng emergency assistance.

Sa 7 pahinang reklamo ni Julita Roxas laban sa mga opisyal at empleado ng Stream International GS Philip­pines, Inc., isang call center na nakabase sa North EDSA, dapat uma­nong managot ang mga akusado sa kasong reck­less imprudence resulting to homicide dahil sa pag­kamatay ng kanyang anak na si Christopher Roxas.

Si Mrs. Roxas ay sina­mahan ng tauhan ng Public Attorney’s Office sa pag­sasampa ng kaso laban sa mga amerikanong sina Scott Murray, President at Duanne Cummins, Vice Pre­sident ng naturang kompanya.

Kinasuhan din ni Mrs Roxas sina Pearl Liu, cor­porate secretary; Gianna Montinola, assistant corpo­rate secretary; Jared Mo­ris­son, vice president and country manager; Kurt An­drada, operations ma­nager; Dan Carlo Capang­ya­rihan, nurse on duty; Arvin Espino, head guard; at Dr. Gia Sison, clinic administrator.

Sa complaint affidavit, sinabi ni Mrs. Roxas na no­ong Mayo 3, 2010, nakita ng mga kasamahan na un­conscious ang kanyang anak na si Cristopher at humi­hingi ng tulong pero hindi man lamang ng mga ito natu­lungan ang anak gayundin ang nurse at guard on duty. Anya, kung nabigyan agad ng tulong ang anak para ma­dala sa ospital, hindi ito namatay. Binigyang-diin din ni Mrs. Roxas na wala man lamang nagbigay ng first aid treatment sa kanyang anak noong panahong iyon gayung obligasyon ng employer sa kanyang mga em­pleado na bigyan ng kaukulang safety at health per­sonnel ang mga ta­uhan sa isang kompanya tulad ng first aid medicine at equipment para sa ka­nilang mga manggagawa.

Show comments