Call center officials, kinasuhan sa pagkamatay ng tauhan
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal sa Quezon City Prosecutors Office ang anim na opisyal at tatlong empleado ng isang call center dahilan sa pagkamatay ng isang tauhan na umanoy binigo ng mga itong bigyan ng emergency assistance.
Sa 7 pahinang reklamo ni Julita Roxas laban sa mga opisyal at empleado ng Stream International GS Philippines, Inc., isang call center na nakabase sa North EDSA, dapat umanong managot ang mga akusado sa kasong reckless imprudence resulting to homicide dahil sa pagkamatay ng kanyang anak na si Christopher Roxas.
Si Mrs. Roxas ay sinamahan ng tauhan ng Public Attorney’s Office sa pagsasampa ng kaso laban sa mga amerikanong sina Scott Murray, President at Duanne Cummins, Vice President ng naturang kompanya.
Kinasuhan din ni Mrs Roxas sina Pearl Liu, corporate secretary; Gianna Montinola, assistant corporate secretary; Jared Morisson, vice president and country manager; Kurt Andrada, operations manager; Dan Carlo Capangyarihan, nurse on duty; Arvin Espino, head guard; at Dr. Gia Sison, clinic administrator.
Sa complaint affidavit, sinabi ni Mrs. Roxas na noong Mayo 3, 2010, nakita ng mga kasamahan na unconscious ang kanyang anak na si Cristopher at humihingi ng tulong pero hindi man lamang ng mga ito natulungan ang anak gayundin ang nurse at guard on duty. Anya, kung nabigyan agad ng tulong ang anak para madala sa ospital, hindi ito namatay. Binigyang-diin din ni Mrs. Roxas na wala man lamang nagbigay ng first aid treatment sa kanyang anak noong panahong iyon gayung obligasyon ng employer sa kanyang mga empleado na bigyan ng kaukulang safety at health personnel ang mga tauhan sa isang kompanya tulad ng first aid medicine at equipment para sa kanilang mga manggagawa.
- Latest
- Trending