Bagong laya, itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating in­mate na kalalaya pa lamang matapos itong barilin ng tat­long hindi pa nakikilalang kala­lakihan na sumakay sa pinapasadang tricycle ng una kamakalawa sa Malabon City.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang bik­timang si Armado Paderes, 32, ng Brgy. Tinejeros ng lung­­sod na ito.

Nagsasagawa pa ng fol­low-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon, nabatid na sakay ng biktima ang mga suspek sa pinapa­sada nitong tricycle at pag­sapit sa kahabaan ng San­chez St., isa sa mga suspek ang nagbunot ng baril at pina­pu­tukan ang biktima na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Nabatid na nakulong ang biktima sa kasong robbery noong Hulyo, 2009 at naka­laya matapos mapawalang sala noong Agosto 6, 2010.

Show comments