Bagong laya, itinumba
MANILA, Philippines - Patay ang isang dating inmate na kalalaya pa lamang matapos itong barilin ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan na sumakay sa pinapasadang tricycle ng una kamakalawa sa Malabon City.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Armado Paderes, 32, ng Brgy. Tinejeros ng lungsod na ito.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon, nabatid na sakay ng biktima ang mga suspek sa pinapasada nitong tricycle at pagsapit sa kahabaan ng Sanchez St., isa sa mga suspek ang nagbunot ng baril at pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng pagkasawi nito.
Nabatid na nakulong ang biktima sa kasong robbery noong Hulyo, 2009 at nakalaya matapos mapawalang sala noong Agosto 6, 2010.
- Latest
- Trending