^

Metro

4 na Chinese timbog sa droga

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apat na Chinese national ang dinakip ng magka­sanib na puwersa ng South­ern Police District (SPD) at Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) sa dalawang mag­kahiwalay na anti-drug ope­ra­tion, kahapon sa Pasay at Las Piñas City.           

Inisyal na nakilala ang mga nadakip na sina Jason Li, alyas “Bao Ta Li”; Alex Sy Li, alyas “Wah Ya”; Xi Xuan Ang, alyas “Ang Ha” at Li Yu Xiang.           

Sa ulat ng pulisya, na­batid na nakatanggap ng impormasyon ang PDEA buhat sa mga asset ukol sa operasyon sa iligal na shabu kung saan ibinibenta ito sa Lancaster Condominium, F.B. Harrison, Pasay City at may nilu­lutong shabu naman sa “medium scale shabu laboratory” sa may #1B Cla­rinda Raymond street, BF Resort Village, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.

Nabatid na Lunes pa lamang ng gabi ay isina­ilalim na sa pagmaman­man ng mga otoridad ang dalawang lugar. Isinagawa ang sabay na pagsalakay dakong alas-12 kahapon ng tanghali sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Amor A. Reyes, ng Manila Regional Trial Court Branch 21.           

Nadakip sa Pasay City si Li Yu Xiang. Nakum­piska dito ang may 561 gramo ng hinihinalang shabu na pro­ dukto ng shabu lab sa Las Piñas. 

Nabatid na sa naturang bahay dinadala ang mga “finished products” na shabu at saka ipinapakalat sa Metro Manila.        

Naaresto naman ang tatlo pang Chinese national kabilang na si Alex Sy Li na mister ni Li Yu Xiang sa Las Piñas City kung saan gina­wang laboratoryo ng shabu ang isang inupa­hang ba­hay.

Nakumpiska rito ng mga awtoridad ang hindi pa nabatid na dami ng iba’t ibang kemikal na sang­kap sa paglikha ng shabu at mga equipments na pan­luto ng iligal na droga.

ALEX SY LI

ANG HA

BAO TA LI

DRUG EN

LAS PI

LI YU XIANG

PASAY CITY

SHABU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with