^

Metro

Quezon City gagawing tourist destination

- Ni Angie de la Cruz -

MANILA, Philippines - Pinaplano ng pamahalaang lungsod na ga­wing tourist destination sa Metro Manila ang Quezon City.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, nagpapatupad ngayon ang Quezon City  ng isang  “a revitalized tourism program na magiging pintuan ng mga negosyo upang higit na umunlad ang lungsod at makalikom ng dagdag na pondo para sa kapakanan ng ibat ibang sektor hindi lamang ang mayayaman kundi gayundin ang mahihirap.

Sinabi ni Belmonte na siya ay bubuo ng isang tourism department na siyang mangangasiwa sa pagtataguyod ng  tourism development plan at tourism code sa Quezon City na pinakamayamang lungsod sa Metro Manila.

Kaugnay nito, hiniling ni   Belmonte kay Quezon City 2nd District Councilor Roderick Paulate na pangunahan ang  city council sa pagbubuo sa isang  ordinansa na lilikha ng isang tourism department sa naturang siyudad.

“We will make an inventory of the city’s tourism resources, accredit and standardize our tourism-related services, assess and develop our tourism investment potential, create a high quality international image, identify and develop tourism zones, and initiate high-profile events, pahayag ni Belmonte.

AYON

BELMONTE

CITY

DISTRICT COUNCILOR RODERICK PAULATE

KAUGNAY

METRO MANILA

QUEZON CITY

TOURISM

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with