^

Metro

Korean pastor patay sa holdaper, 2 pa dinukot

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang Ko­reanong Pastor na nagmamaneho ng isang van nang barilin ng mga armadong la­laki na dumukot din sa dalawa pa nitong ka­samahan kahapon ng madaling-araw sa Or­tigas Center, Pasig City.

Nakilala ang nasawi na si Cho Tae Hwan, isang reverend ng Evangelical Worship na nakabase sa Ca­inta, Rizal at miyembro rin ng PNP Values and Spiritual Counsel Association Inc.

Nakumpirma na­man na pinalaya rin ng mga salarin ang mga dinukot nila makara­ang sumulpot dakong alas-4:30 ng madaling- araw sa Eastern Police District (EPD) ang isa sa mga dinukot na si Kim Hyou Suk kasama si Korean Embassy Consul Jung Soon Chul. Iniulat rin nila na nasa ligtas na kala­gayan si Kim Young Cun na dinala na sa Palace Hotel sa Makati City.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), sinundo ni Cho Tae Hwan ang pitong Korean national na sina Kim Hyou Sik, Kim Young Cun, Kim Jeong Suk, Cho Eun Hye, Han Jin Suk, Choi Ho Young, at Kim Da Ean buhat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) I dakong alas-10:10 kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-12:40 ng madaling- araw, binabagtas ng mga biktima lulan ng dark blue na Chevrolet van (XEV-328) ang kaha­baan ng Ortigas Ave­nue Extension sa Brgy. Sta. Lucia, Pasig City nang biglang harangin ng isang puting van na hindi nakuha ang plaka at lumabas ang apat na suspect na pawang mga armado.

Ayon sa pulisya, puwersahang isinama ng mga salarin sina Kim Young Cun at Kim Hyou Sik na hindi pa nakuntento ay nilimas pa ang gamit ng mga turista.

Bago tumakas, da­la­wang beses na pi­nagbabaril ng mga salarin si Hwan na tinamaan sa kilikili at kaliwang braso.

Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng kanilang get-away car at ibinaba ang da­lawang tinangay sa Cainta, Rizal.

CHO EUN HYE

CHO TAE HWAN

CHOI HO YOUNG

EASTERN POLICE DISTRICT

KIM

KIM HYOU SIK

KIM YOUNG CUN

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with