MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng mga di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Tadtad ng tama ng bala sa katawan si Julito Repolo, 50, may-asawa ng #14 Katipunan Road, Damong Maliit, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.
Ayon kay SPO1 Francis Escobido ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, palabas ng bahay ang biktima para magpunta sa kanyang negosyong pagtitinda sa Novaliches Market nang pagbabarilin bandang alas-2:20 ng ma daling-araw.
Sinasabing matagal na naghintay ang suspek sa labas ng bahay ng biktma kung kaya paglabas pa lang nito sa kanyang bahay ay agad itong nilapitan at isinagawa ang pamamaril.
Naisugod naman ang biktima sa Nova General Hospital subalit hindi na rin ito umabot pa ng bu hay.