Misis todas sa senglot na mister

MANILA, Philippines - Nagawang paslangin ng isang senglot na mister ang sariling asawa makaraang pagsasaksakin sa harap pa mismo ng kanilang anak na dalagita, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nagkabutas-butas ang katawan ni Maria Elena Garibay, 38, kawani ng Rodriguez Municipal Hall at nakatira sa #30 Bautista Street, Concepcion I, Ma­ri­kina City.

Naaresto naman ang suspek na si Serafin Ga­ribay Jr., 36, pribadong empleyado at nahaharap sa kasong parricide.

Sa salaysay ng 15-an­yos na anak ng biktima, da­kong alas-9:30 kamaka­lawa ng gabi nang umuwi sa kanilang bahay ang senglot na ama at dumiret­so sa kuwarto ng babae. 

Makalipas ang ilang minuto, narinig na lamang niyang nagsisigawan ang mga magulang.

Inakyat naman ng da­ la­gita ang mga magu­lang kung saan pagbukas ng ku­warto ay tumambad ang eksena na sina­sak­sak ng screw sriver ng ama ang ina. 

Agad na humingi ng sak­lolo ang anak na dala­gita sa mga kapitbahay na nagresulta sa pagka­ka­dakip ng suspek habang isinugod sa ospital ang ina na hindi na umabot ng buhay.

Show comments