27th death anniversary ni Ninoy ginunita

MANILA, Philippines - Ginunita kahapon sa Maynila at Quezon City ang ika -27 taong pagkamatay ni dating Senador Benigno ‘Ninoy” Aquino, Jr. na dina­ luhan ni Ma. Elena Ballsy Aquino-Cruz.

Kasama si Manila Mayor Alfredo Lim,dakong alas 7.30 ng umaga nang simulan ang pagbibigay pugay sa ka­dakilaan ni Ninoy sa Ninoy and Cory Monument sa Roxas Blvd.

Ayon kay Ballsy, napa­tawad na nila kung sinuman ang pumatay sa kanilang ama na si Ninoy. Aniya, ang suporta at pagmamahal na ipinakita ng publiko sa ka­nilang mga magulang ay sapat na upang mapunan ang kanilang sakit na nara­ram­daman.

Pinasalamatan din ni Ballsy si Lim sa suportang ibinigay nito sa kanilang pa­milya. Aniya, kailanman ay hindi nawala sa kanilang tabi si Lim.

Agad namang nagtungo si Ballsy sa QC upang sak­sihan ang pagpupugay ng pa­ma­halaang lungsod sa pa­mamamagitan ng simpleng wreath-laying ceremony at maiksing programa na isina­gawa sa may 14-feet monu­ment sa Quezon Ave. kanto ng Timog, Avenue sa QC kasama sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, miyem­bro ng City Council at mga opisyal ng City Hall Depart­ment.

Show comments