27th death anniversary ni Ninoy ginunita
MANILA, Philippines - Ginunita kahapon sa Maynila at Quezon City ang ika -27 taong pagkamatay ni dating Senador Benigno ‘Ninoy” Aquino, Jr. na dina luhan ni Ma. Elena Ballsy Aquino-Cruz.
Kasama si Manila Mayor Alfredo Lim,dakong alas 7.30 ng umaga nang simulan ang pagbibigay pugay sa kadakilaan ni Ninoy sa Ninoy and Cory Monument sa Roxas Blvd.
Ayon kay Ballsy, napatawad na nila kung sinuman ang pumatay sa kanilang ama na si Ninoy. Aniya, ang suporta at pagmamahal na ipinakita ng publiko sa kanilang mga magulang ay sapat na upang mapunan ang kanilang sakit na nararamdaman.
Pinasalamatan din ni Ballsy si Lim sa suportang ibinigay nito sa kanilang pamilya. Aniya, kailanman ay hindi nawala sa kanilang tabi si Lim.
Agad namang nagtungo si Ballsy sa QC upang saksihan ang pagpupugay ng pamahalaang lungsod sa pamamamagitan ng simpleng wreath-laying ceremony at maiksing programa na isinagawa sa may 14-feet monument sa Quezon Ave. kanto ng Timog, Avenue sa QC kasama sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, miyembro ng City Council at mga opisyal ng City Hall Department.
- Latest
- Trending