Probe vs torture cops, agarin - Lim
MANILA, Philippines - Pinamamadali ni Manila Mayor Alfredo Lim kay Manila Police District (MPD) director, Chief Supt.Rodolfo Magtibay ang ng imbestigasyon laban kay P/Sr. Insp. Joselito Binayug ng Asuncion-PNP at sa iba pang mga kasama nitong pulis na umano’y nakitang ka sama ng huli habang tino-torture ang isang lalaki sa video na ipinakita ng ABS-CBN.
Ayon kay Lim, inatasan niya si Magtibay na gamitin ang lahat ng “resources’ ng pulis para makilala ang lahat ng pulis na nandoon nang maganap ang pagpapahirap.
Sinabi ni Lim ang pagpapahirap na nakita sa video ay indikasyon ng kawalan ng respeto sa karapatan at dignidad ng isang tao. Giit ni Lim, dapat na agad kasuhan ng administratibo at kriminal ang mga sangkot sa torture pagkatapos ng imbestigasyon.
Nauna ng inihayag ni Magtibay na sinabi umano ni Binayug na nakahanda siyang humarap sa anumang imbestigasyon bagama’t hindi nito itinanggi o kinumpirma ang naturang “torture” incident.
Kasabay nito, sinabi naman ni Manila 3rd District Councilor Joel Chua dapat na sumailalim sa psychiatric test at drug test ang mga pulis na tulad nito dahil hindi man lamang nito tinitignan ang karapatan ng isang kriminal.
Aniya, bagama’t nagkasala sa batas, may mga proseso namang dapat na sundin upang maparusahan ang mga nagkakasala.
Aniya, hangga’t hindi napapatunayan sa korte, nananatiling inosente ang sinumang kriminal.
- Latest
- Trending