^

Metro

Footbridge gigibain, U-turn slot isusunod

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nakatakdang gibain ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang ilang footbridge partikular sa area ng Quezon City habang pinag-aaralan kung tatangga­lin o mananatili ang pagpapa­tupad ng U-turn slot sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Ayon sa MMDA, gigibain na ang ilang nakatayong foot­bridge sa may Common­wealth, Quezon City, dahil si­simulan na ang proyekto ng Metro Rail Transit (MRT) 7.

Nabatid na ang naturang footbridge ay makakasagabal sa pagtatayo ng MRT 7, kung saan hindi naman tumututol ang MMDA sa nakatakdang paggiba sa mga footbridge sa kabila na ginastusan ito ng ahensiya.

Ang MRT 7 ay aabot na ng San Jose Del Monte, Bulacan at magiging positibo ang naturang proyekto para sa mga pasahero na umuuwi ng naturang lalawigan.  

Samantala, ipinahayag pa rin ni MMDA Chairman Fran­cis Tolentino, na pinag-aara­lan nila sa ngayon kung epek­tibo pa ang U-turn slot sa Metro Manila.

Kung sa tingin aniya nila na positibo pa rin ang epekto ng U-turn slot sa mga mo­torista, magpapatuloy ang MMDA sa pagpapatupad nito at kung hindi na aniya ma­ganda ang resulta, saka la­mang sila magdedesisyon para buwagin ang naturang traffic scheme.

vuukle comment

AYON

BULACAN

CHAIRMAN FRAN

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

QUEZON CITY

SAN JOSE DEL MONTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with