^

Metro

5 high school students sugatan sa rally

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasugatan ang limang high school students ma­ka­raang piliting makapa­sok sa main building ng Deparment of Education (DepEd) at makipagpam­buno sa mga security guards ng ahensya, ka­hapon ng umaga.

Sa impormasyong ipi­nadala ng League of Fili­pino Students (LFS), kini­lala ang mga estud­yan­teng isinugod sa Rizal Me­dical Center dahil sa sugat sa ulo sina Ronald Santos, Mark Gil Gamido, Ivan Bon­torostro, Ray­mond Ubero, at James Anajao. Nag­dugo naman umano ang tenga ni Anna Tolentino nang ma­sun­tok sa ulo habang pino­sasan si Ronald Gustillo.

Dinala rin naman sa naturang pagamutan ang ilang security guard ng DepEd na nagtamo rin ng mga sugat nang pagtulu­ngang gulpihin rin ng mga raliyistang kabataan na may kasamang ilang mga matatanda na namumuno sa kanila.

 Sinabi ni Kenneth Tirado, public information office head, dakong alas-11 ng tanghali nang maka­pasok sa compound ng ahensya ang mga raliyista at nagtipun-tipon sa tapat ng main building kung saan inumpisahan ang kilos-protesta. 

Inumpisahan umano ng mga raliyista ang pagi­ging bayolente nang itulak at tapikin ang “glass window” ng gusali. Dito na pinilit na palayuin ng mga guwardiya ang mga rali­yista sa pangamba na ma­basag ang salamin ngunit isa umano sa mga raliyista ang nag-umpisang ma­nun­tok hanggang sa mag­kagulo na.

Nakatakda namang mag-counter file ng kaso ang magkabilang grupo ng mga raliyista at mga secu­rity guards na nasaktan sa insidente.

Sinabi ni Tirado na po­sibleng rebisahin nila nga­yon ang ipinapatupad na seguridad ng DepEd dahil sa malayang nakakapasok ang mga raliyista sa com­pound at nakakapagrally sa tapat ng main building. Ayon sa mga guwardiya na nakapanayam ng PSN, nagpapanggap umano na magkamag-anak na estud­yante at magulang ang mga raliyista na may isa­sangguni sa DepEd, paisa-isang papasok sa com­pound saka magsasama-sama at mag-uumpisa ng rally dala ang mga pla­cards na itinago sa ka­nilang mga bag.

Ayon sa mga raliyista, ilang beses na silang pa­balik-balik sa DepEd upang humingi ng dayalogo sa mga opisyal ng ahensya ukol sa iligal na paniningil sa kanilang mga pa­aralan ngunit hindi sila pinaki­kinggan. 

ANNA TOLENTINO

AYON

DEPARMENT OF EDUCATION

IVAN BON

JAMES ANAJAO

KENNETH TIRADO

LEAGUE OF FILI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with