Mag-ina kritikal sa nag-Rambong kapitbahay

MANILA, Philippines - Kapwa kritikal ang mag-ina nang saksakin ng nag-rambo na kapit­bahay sa Caloocan City kama­kalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Nelly Balahillo, 59, habang sa tiyan naman ang tama ng anak nitong si Myra, 20, kapwa ng Phase 3, Dagat-dagatan ng na­bang­git na lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Ray Mo­rales, 33, at kalugar ng mga biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na alas-6:30 ng gabi, naghura­men­tado ang biktima habang hawak ang isang patalim at pinasok sa bahay ang mag-ina. Inundayan ng saksak ng suspek ang mag-ina at nang magdatingan ang mga pulis at barangay tanod ay ginawang pa­nanggalang ang batang si Jay-R Balahillo.

Ilang saglit lang ang lumipas ay napasuko naman ang suspek at nailigtas ang bata bago dinala ang mag-ina sa na­banggit na paga­mutan. Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng insi­dente. Hindi pa malinaw kung bakit nag-Rambo ang suspect.

Show comments