^

Metro

Estudyante ng University of Makati, patay sa hazing

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Makati City Police ang pagkamatay ng isang estudyante ng University of Makati sa hazing ng fraternity na Alpha Phi Omega (APO).           

Sinabi ni Sr. Supt. Froilan Bonifacio, hepe ng Makati police, na naka­tanggap na rin sila ng impormasyon sa pag­kamatay ng isang Carl Intia, nasa pagitan ng   19-20 anyos at kumu­kuha ng Building and Wiring Management vo­cational course sa ilalim ng College of Technology Management ng natu­rang unibersidad.

Tumanggi naman si Bonifacio na hawakan ang naturang kaso dahil sa miyembro rin umano siya ng APO fraternity upang hindi siya mapag­bin­tangan ng whitewash. Nakikipagkoordinasyon naman sila ngayon sa PNP-Criminal Investiga­tion and Detection Group (CIDG) upang ito ang magsagawa ng imbesti­gas­yon sa naturang kaso.           

Tiniyak naman ni UM president Mel Adriano sa pamilya ng biktima na wa­lang whitewash o cover-up na mangyayari sa insidente kung saan sangkot ang nasa 15 hanggang 20 estudyante ng pamantasan.           

Nabatid na national president rin ng APO si Adriano habang miyem­bro rin ng APO si dating Makati Mayor at Vice-President Jejomar Binay.

ALPHA PHI OMEGA

BUILDING AND WIRING MANAGEMENT

CARL INTIA

COLLEGE OF TECHNOLOGY MANAGEMENT

CRIMINAL INVESTIGA

DETECTION GROUP

FROILAN BONIFACIO

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MAYOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with