^

Metro

Hindi sapat ang pagsibak - DOJ

-

MANILA, Philippines - Hindi umano sapat na sibakin sa puwesto ang mga miyembro ng Philippine Na­tional Police (PNP) na sangkot sa torture video kundi dapat ding sampahan ng kasong administratibo at kriminal.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, malinaw umano na paglabag sa karapatang pan­tao ang ginawa ng mga pulis na sangkot sa lumabas na video kung saan hubo’t hubad ang isang lalaking sina­sabing snatcher habang naka­tali ang ari nito habang binu­bugbog ng isang opisyal na pulis-Maynila.

Giit ni de Lima dapat na mag­sagawa ng malalim at tapat na imbes­tigasyon ang pulisya dahil sa biglaang pagkamatay ng biktima kahit na kailangan pang ikumpirma ito, ang pinaka­ma­taas umanong parusa sa nasa­bing krimen ay reclusion per­petua o 40 taong pagkaka­bilanggo.

Bukod dito,dapat ding ikon­sidera ang command responsi­bility sa nasabing kaso kahit na wala umano ang pinuno ng police station dapat na gumawa ito ng paraan upang hindi ito nangyari o kung nadiskubre naman umano ito ay dapat na may ginawa itong hakbang.

Nauna nang sinibak sa puwesto si Senior Inspector Joselito Binayug at 20 iba pa dahil sa pagkakasangkot sa pag torture sa isang robbery suspect na nakapiit sa precinct station sa Asuncion St. sa Tondo, Maynila.

Samantala, sisimulan na rin ng Commission on Human Rights ang pag-iimbestiga sa naturang insidente ng torture.

Sinabi ni CHR Commis­sioner Cecilia R.V. Quisumbing na hihingin din nila ang ko­operasyon ng pulisya at iba pang ahensiya ng gobyerno ka­ugnay ng gagawing pagbusisi sa insidente. (Gemma Amargo-Garcia at Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ASUNCION ST.

CECILIA R

GEMMA AMARGO-GARCIA

HUMAN RIGHTS

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAYNILA

PHILIPPINE NA

SENIOR INSPECTOR JOSELITO BINAYUG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with