^

Metro

Nanggulo sa b-day party, kinatay ng celebrant

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lalaki makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay na nagdiriwang ng kanyang kaarawan matapos manggulo ang una sa selebrasyon nito, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Hindi na umabot ng buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang nakilalang si Ernesto Pelagio, 31, binata, ng Bayanihan St., Maricaban, ng naturang lungsod habang tumakas naman ang suspek na nakilalang si Erwin Padoc, residente rin ng naturang lugar.           

Sa ulat ng Pasay police, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa Matulunguin St., Bayanihan, Maricaban, ng naturang lungsod ilang metro lamang ang layo sa inuman na selebrasyon ng kaarawan ni Padoc.

Nabatid na lango sa alak ang biktima nang magpasyang sumugod sa birthday party ni Padoc at manggulo dahil sa hindi umano siya naimbitahan. Sinalubong naman si Pelagio ni Padoc kung saan dito pinagsasaksak ang una gamit ang isang kutsilyo bago mabilis na tumakas.

vuukle comment

BAYANIHAN ST.

DIOS HOSPITAL

ERNESTO PELAGIO

ERWIN PADOC

MARICABAN

MATULUNGUIN ST.

PADOC

PASAY CITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with