800 kilo ng 'hot meat' nakumpiska
MANILA, Philippines - Umaabot sa 800 kilo ng “hot meat” ang nakumpiska ng mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) sa tatlong lugar sa Tondo, Maynila na pinaniniwalaang ibabagsak sa mga palengke sa Metro Manila habang 100 kilo namang sinasabing iligal na kinatay.
Batay sa report, nakumpiska ang mga botcha sa Lacson, Sisa at Maginoo Sts. sa Tondo habang ang mga iligal na kinatay ay sinalakay sa Blumentritt Market.
Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng “hot meat” dahil malaki ang posibleng maging epekto nito sa kalusugan ng sinumang makakain nito.
Sinabi ni Lim na tanging ang mga karneng baboy at baka lamang na sumailalim sa inspection ang maaaring ibenta sa pub liko. Mas makabubuti umanong hanapin ang meat inspection certificate sa mga produkto na ibinebenta sa mga palengke.
- Latest
- Trending