^

Metro

14 kilo ng shabu kuha sa Malaysian national

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Labing-apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P140 milyon ang natuk­la­san ng isang customs examiner sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 na dala ng dalawang Malaysian nationals matapos itong du­mating sa paliparan galing Bangkok, Thailand, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Customs Com­missioner Angelito A. Alvarez ang sinasabing international drug couriers na sina Teo Cheek Keong 43, at Richard Oh. Ang mga suspek ay sakay ng Philippine Airlines flight PR 733 na dumating sa NAIA ng dakong alas-3:45 ng mada­ling-araw.

Sinabi ni Alvarez, na tina­gubilinan nito ang mga Customs officials sa NAIA na tiktikan ang mga risk flights tulad ng bansang Bangkok, Taiwan, China at Hongkong dahil may nakuha siyang impormasyon na dito mang­gagaling umano ang mga droga na ipapasok sa bansa.

Sinabi ni Alvarez, gina­gawang jump-off point ang Pilipinas ng mga international drug syndicate bago dalhin sa ibang bansa.

“Pangalawang balik ni Keong sa bansa dahil noon July 27 ay dumating na ito dito,” sabi ni Alvarez.

Nabatid na na-profile ni Cus­toms examiner Beth Pableo si Keong dahil pinag­papawisan ito at hindi ma­pakale habang nasa customs counter ang suspek kaya kinalkal nito ang dalang bagahe ng huli.

Nakatago sa false bottom ng kulay brown na bagahe ni Keong ang may pitong kilo ng shabu, samantalang ang 7 kilo pa ay iniwan ni Oh sa PAL luggage claim counter at saka tumakas palabas ng pa­liparan.

Napag-alaman kay Al­varez, na ang dalawang sus­pek ay positibong magka­sama sa flight dahil nakuha nila ang PAL passengers ma­nifest at nakita dito na isang silya lamang ang pagitan nila sa upuan.

Samantala, pinabulaanan ni Keong na may dala siyang shabu pero kanya ang ba­gahe.

ALVAREZ

ANGELITO A

BETH PABLEO

CUSTOMS COM

KEONG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIRLINES

RICHARD OH

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with