'Rebel hunter' uupong bagong AFP-NCRCOM
MANILA, Philippines - Isang heneral na napabantog na ‘rebel hunter ‘ ang pormal na iluluklok ngayong araw ( Miyerkules ) bilang bagong hepe ng AFP-National Capital Region Command (AFP-NCRCOM) na tututok sa seguridad sa Metro Manila.
Si Major General Arthur Tabaquero, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) ’78 ang papalit sa na-demote nitong mistah na si outgoing AFP-NCRCOM Chief Rear Admiral Feli ciano Angue. Sinasabing bagaman produkto rin ng PMA Class ’78 si Tabaquero ay malapit ito kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo David dahilan malayong kamag-anak ito ng pamilya ng kanyang misis.
Ang AFP- NCRCOM ay ang anti-coup unit na ang pangunahing tungkulin ay bigyang proteksyon ang palasyo ng Malacañang laban sa mga naga-alburutong sundalo na nasasangkot sa coup plot. Si Tabaquero, outgoing Commander ng Army’s 8th Infantry Division (ID) na ang hurisdiksyon ay sa lalawigan ng Samar at Leyte ay binansagan ring ‘warrior ‘ kontra sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na sa nasabing mga probinsya ang balwarte.
Napabantog si Tabaquero bilang ‘warrior ‘ kontra sa mga rebeldeng NPA at maging sa mga bandidong Abu Sayyaf sa panahon ng pagiging junior officer nito matapos madestino ng mahabang panahon sa Mindanao.
- Latest
- Trending