MANILA, Philippines - Minsan pang pinatunayan ng zebra na nakakulong sa Manila Zoo na walang imposible sa panahon ngayon matapos na manganak ito ng isang kabayo noong Miyerkules.
Ayon sa pamunuan ng Manila Zoo, masusi nilang bina bantayan ang bagong panganak na “hebra” o crossbreed ng zebra at kabayo bunsod na rin ng posibilidad na magkaroon ito ng komplikasyon dulot ng magkaibang genes mula sa dalawang hayop.
Bagama’t nakikita ng pamunuan ng Manila Zoo na malusog at maayos ang kalusugan ng ‘hebra’ kailangan pa rin nila itong obserbahan. Nabatid na minsan ng nagkaroon ng “hebras” subalit sandali lamang nabuhay bunga ng genetic complications.
Ang “hebra” ay kaunti lamang kung kaya’t mahigpit na monitoring ang kanilang isinasagawa.
Ipinaliwanag pa ng Manila Zoo na mas binibigyan nila ng vitamins ang inang zebra upang mas maraming gatas ang makukuha ng “hebra” .
Idinagdag pa ng pamunuan ng Manila Zoo na isang buwan sasailalim sa monitoring ang “hebra” bago siya ideklarang ligtas.