^

Metro

Zebra nanganak ng kabayo sa Manila Zoo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Minsan pang pinatunayan ng zebra na nakakulong sa Ma­nila Zoo na walang impo­sible sa panahon ngayon ma­tapos na manganak ito ng isang kabayo noong Miyer­kules.

Ayon sa pamunuan ng Ma­nila Zoo, masusi nilang bi­na­ ban­tayan ang bagong pa­nga­nak na “hebra” o cross­breed ng zebra at kabayo bun­sod na rin ng posibilidad na magka­roon ito ng kompli­kasyon dulot ng magkaibang genes mula sa dalawang hayop.

Bagama’t nakikita ng pa­munuan ng Manila Zoo na ma­lusog at maayos ang ka­lusugan ng ‘hebra’ kailangan pa rin nila itong obserbahan. Nabatid na minsan ng nag­ka­roon ng “hebras” subalit san­dali lamang nabuhay bunga ng genetic complications.

Ang “hebra” ay kaunti la­mang kung kaya’t mahigpit na monitoring ang kanilang isi­nasagawa.

Ipinaliwanag pa ng Manila Zoo na mas binibigyan nila ng vitamins ang   inang zebra upang mas maraming gatas ang makukuha ng “hebra” .

Idinagdag pa ng pamu­nuan ng Manila Zoo na isang buwan sasailalim sa monitor­ing ang “hebra” bago siya ideklarang ligtas.

vuukle comment

AYON

BAGAMA

IDINAGDAG

IPINALIWANAG

MANILA ZOO

MINSAN

MIYER

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with