^

Metro

Pinalalayas kasi: Pamangkin kinatay ng tiyo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nagawang patayin sa saksak ng isang tiyuhin ang kanyang pamangkin matapos palayasin ng huli ang una, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak na tinamo sa katawan ang biktimang si Santos Magdaraoy, 27, ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang tiyuhin ng biktima na si Freddie Corollo na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa Phase 9, Bagong Silang, Caloocan City nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Nagalit ang biktima at pinalalayas nito ang suspek sa kanilang bahay dahil pag-aari umano ito ng kanyang mga magulang.

Dahil dito, kumuha ng patalim ang suspek at walang sabi-sabi nitong pinagsasaksak ang kanyang pamangkin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital ng kanyang mga kaanak, subalit hindi na ito umabot pang buhay.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DAHIL

FREDDIE COROLLO

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MATAPOS

NAGALIT

NAGAWANG

SANTOS MAGDARAOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with