^

Metro

Traffic enforcers 24 oras sa kalye

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes, magpapakalat na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga traffic­ enforcers mula gabi hanggang madaling-araw upang mas higit na maipatupad ang “anti-colorum policy” ng ahensya.

Batay sa dating set-up, pumapasok ang mga enforcers ng dalawang shift: 6am-2pm at 2pm-10pm.         

Dadagdagan naman ito ng isa pang shift na mula 10pm-6am upang makatiyak na mas nababantayan ang mga pangunahing kalsada sa loob ng 24 oras.

Bukod sa panghuhuli sa mga colorum, “overspeeding”, mga lasing na driver, nagka-counter flow, pamamahalaan rin ng mga ito ang maayos na daloy ng trapiko lalo na kung umuulan, may baha at kung may aksidente.    

Inaasahan naman na bababa ang bilang ng mga aksi­dente sa pagpapakalat ng mga traffic enforcers na magba­bantay sa mga pasaway na mga drivers tuwing gabi.

10PM

BATAY

BUKOD

DADAGDAGAN

ENFORCERS

INAASAHAN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with