^

Metro

Insidente ng sunog tataas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na tumaas umano ngayon ang bilang ng mga trahedya sa sunog sa mga malalaking gusali makaraang ipatupad ng Bureau of Fire Protection at ng Department of the Inte­rior and Local Government (DILG) ang isang memorandum na nagkakansela sa pag-inspeksyon sa mga itinatayong gusali sa bansa.

Ayon sa Safety Organization of the Philippines, nag­ palabas umano ang DILG ng memorandum na sinasa­bing hindi na kaila­ngan ang tatlong beses na inspeksyon sa mga gusali at binigyan ng kapang­yarihan ang Fire Marshall ng isang lungsod na siya na lamang mag-iisyu ng sertipi­kasyon sa pagiging “fire safety” ng isang gusali.

Base umano sa Republic Act 9514 o Fire Code of the Philippines, kinakaila­ngan na isailalim sa tatlong beses na “fire and life assessment inspection” ang mga gusali upang matiyak na ligtas ito sa sunog bago isyuhan ng “occupancy at building permit”.

Sa inilabas umanong memorandum, malinaw na walang “transparency” ang pagbabayad ng mga nagta­tayo ng gusali at magiging ugat ng katiwalian. Ngunit ang mas nakakatakot ay ang posibleng pagdami ng mga gusali na hindi ligtas sa sunog.

Naniniwala naman ang grupo na hindi initiatibo ni Secretary Jesus Robredo ang memorandum at maa­aring ipinalusot lamang sa kanya ng ilang opisyales ng BFP at DILG na may personal na interes at mabi­bi­yayaan sa bagong sistema.

Duda ang grupo sa ipina­labas na kautusan kama­kailan ni BFP NCR Director Sr. Supt. Pablito Cordeta na umano’y pinagbawalan ang kanilang mga inhinyero at arkitekto na magsagawa ng inspeksyon sa mga gusali sa Metro Manila na labag umano sa fire code.

Dahil dito, nanawagan ang SOP kay Robredo na suriin muli ang inilabas na memorandum upang mati­yak na walang opisyal na nag­sulsol at nagtulak na mailabas ito para sa kani­lang sariling kapakinaba­ngan.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEPARTMENT OF THE INTE

DIRECTOR SR. SUPT

FIRE CODE OF THE PHILIPPINES

FIRE MARSHALL

GUSALI

LOCAL GOVERNMENT

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with