MANILA, Philippines - Niyanig ng 3.7 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental kamakalawa.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), wala namang napaulat na nawasak na ari-arian sa naturang pagyanig na umatake ganap na alas-5:20 ng hapon.
Ang sentro ng lindol ay naitala 19 na kilometro sa southwest sa bayan ng Mati.
Dagdag ng Phivolcs, tectonic ang lindol, at naramdaman ang intensity 5 sa Brgy. Masara sa bayan ng Maco sa probinsya ng Compostela Valley.
Naramdaman naman ang Intensity II sa bayan ng Nabunturan sa Compostela Valley.