^

Metro

2 miyembro ng 'Snake gang', timbog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang dalawa pang nalalabing mi­yembro ng “Snake Gang” nang matunton ang kanilang pinagtaguang hideout ma­tapos holdapin ng mga ito ang 27-anyos na kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronnick Mosquerio, 18 at 16-anyos niyang kasama na itinago sa pangalang Arjay, kapwa residente ng 528 Tengco St., Barangay 108 ng nabanggit na siyudad.

Kinilala naman ang bikti­mang si Christian Andrew King, residente ng Brgy. Pa­lanan, Makati City.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 7:45 ng umaga sa panulukan ng Emila at Ibarra Sts., Pasay City.

Papasok ang biktima sa DFA at biglang sumulpot sa harapan nito ang mga suspek na naka-motorsiklo at tinutu­kan ito ng baril hanggang sa nagdeklara ng holdap. Mata­pos ang panghoholdap ka­agad na tumakas ang mga suspek habang agad namang nagsumbong sa pulisya ang biktima.

Sa follow-up operation, nadakip ang mga suspek matapos silang matunton ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Pasay Police sa kanilang hideout sa isang abandonado at bulok ng bahay sa Dolores St., ilang minuto matapos nilang isagawa ang panghoholdap.

Aminado ang dalawa na kabilang sila sa Snake Gang na pinamumunuan ng napas­lang na si Jennis Bravo, patu­nay ang pagpapalagay nila ng tattoo ng malaking sawa sa likurang bahagi ng kanilang katawan.

CHRISTIAN ANDREW KING

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOLORES ST.

IBARRA STS

JENNIS BRAVO

KINILALA

MAKATI CITY

PASAY CITY

SHY

SNAKE GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with